opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Kasalanan

6 Cycle Mind (feat. Gloc9)

   Intro: B-Ebm-G#m-E-; (2x)

      B        Ebm
   Maari bang makausap ka 
     G#m            E
   Di na biro ang nararamdaman
     B               Ebm
   Nalungkot sa aking buhay 
   G#m                E
   Mula nang ika'y matauhan

            Chorus
      B
   Patawarin mo ako 
     Ebm                G#m
   Sa aking nagawang kasalanan
       E
   Kasalanan
     B
   Patawarin mo ako 
     Ebm                G#m
   Sa aking nagawang kasalanan
       E
   Kasalanan

   Interlude: B-Ebm-G#m-E-;

      B         Ebm
   Maari bang mapigilan pa 
        G#m              E
   Ang 'yong di maaming binabalak
         B                   Ebm
   Nakalimutan mo na ang pagsasama 
        G#m            E
   Di na ba kayang mapagbigyan

   (Repeat Chorus)

   Rap: Do chord pattern B-Ebm-G#m-E-; (4x)

      Patawad ay isang salitang animo'y isang parusa 
      Ito'y sasambitin mo lang kung lahat ay huli na 
      At di na maibabalik ang dating pinagsamahan 
      Parang putik sa mukha na pinahid ng pabalang
      Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
      Habang siya'y bigay ng bigay at ipinauubaya 
      Lahat ng makakabuti kahit na pang huling butil 
      Ay iaabot sa iyo, parang ika'y isang inutil 
      Na hindi nag-iisip, wala kang nararamdaman
      Subukan mang pumikit, wala kang natatandaan 
      Lagi mong inaalala ang para lamang sa 'yo
      Walang iba kundi ikaw at kailanma'y walang kayo
      Mapalad ka kung hihingan mo ng tawad ay nagagalit
      Ika'y sasaktan at sumisigaw ng salitang pumupunit 
      Kaysa pilit mong kausapin ay di na sasagot 
      Akapin man ng mahigpit ay di mo na maabot, patawad

      F#      E
   Di na mauulit
      F#      E
   Di na uulitin
     C#m            F#
   Sana'y tanggapin mo

   (Repeat Chorus)

   Rap: Interlude with Chorus (2x)

      Tayo'y nagtalo't nagsigawan at halos magtulakan 
      Sa galit ko ako'y lumayas at di ka binalikan
      Nilimot ang lahat ng pangako at ang pagmamahal
      Sumpaan natin sa isa't-isa di rin nagtagal
      Ang gabi ay aking umaga, umaga'y aking gabi
      Ako'y gumigising hindi ko kilala ang katabi
      Paulit-ulit na ganito ngunit ng aking makita larawan mo 
      Sa loob ng aking lumang pitaka ay nalaman ko
      Hinanap ko ang tunay na sarili ko 
      Nakita ko, nalaman ko, ito ay nasa piling mo 
      Inipon ang lahat ng aking lakas ng loob 
      Ngunit bakit parang hindi rin maganda ang aking kutob
      Nilapitan ka at pilit na tinitigan sa mata
      Ako'y nagdarasal na sabihin mo sa 'king pwede pa
      Ika'y hindi kumikibo at parang lumalayo 
      Tila pag-ibig mo sa 'kin tuluyan na natuyo

   Coda: (drum beats)





OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.