opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Pag-ibig Sa Tag-araw

Beth Del Rosario

   Intro: F-Em-A7-Bb-Gm-C-

  F                        Em        A7
   Pag-ibig na sing-init ng tag-araw
    Dm         Dm/C        Cm7   F7
   Suminag sa puso ko at pumukaw
    Bb     Bbm           F     Am
   Parang apoy na lubhang pumapaso
  Gm        G7          C
   Init ay nadarama ng buong-buo

  F                        Em          A7
   Pag-ibig na kay sarap namang damhin
      Dm         Dm7       Cm7  F7
   Sa labi, o kay tamis na idiin
      Bb   Bbm           F      Am
   Sa wari mo'y lagi kang nasa ulap
     Gm     C           F   F7
   Parang buhay ay pangarap

   Bb  C             F     Am
   Mga araw ay kay bilis dumaan
   Gm       C   A7   Dm7        Cm7  F7
   Puno ng lambingan, puno ng suyuan
   Bb   C           F    Cdim
   Mga gabi na nakalalasing
   Gm   G7             C      C7
   Ang buong diwa ko'y ginigising

  F                          Em      A7
   Sing-init ng tag-araw na pag-ibig
     Dm           Dm7          Cm7  F7
   Sadyang di magtatagal at lalamig
    Bb       Bbm        F       Am
   Lahat ng bagay ay magwawakas din
    Gm          C       F   F7
   Apoy ma'y susuko sa ulan 

   Bb    C            F    Am
   Gayon man ay di ako nagsisisi
     Gm        C   A7    Dm7    Cm7  F7
   Salamat sa natikman kong pagtangi
    Bb      C              F   Cdim
   Walang kasing ganda ang naaalala
   Gm         G7          C   C7
   Ginintuang pag-ibig sa tag-araw

  F                 Em          A7
   Isang tag-araw, kay bilis dumaan
    Dm         Dm7    Cm7       F7
   Puno ng lambingan, puno ng suyuan
  Bb   Bbm   F     Am
   Alaala na nakalalasing
   Gm      C pause         F-A7-F
   Kahit kailan di lilimutin
 

(Music: Amado Trivino, Lyrics: Marilyn Villapando)


OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.