opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Liwanag

Gloc 9 (featuring Francis M.)

  Am                                      G
   Alam kong madami tayong problemang pinagdaraanan
        F
   Pero isa lang ang dapat nating gawin
  E                         F,G,
   Hanapin natin ang liwanag

             Chorus
  Am                 G
   Bakit di mo pagbigyan
                        F
   Ang pintuan mo'y buksan
                        E
   Ang siyang hinahanap ko
            F,    G,    Am
   Nariyan lang sa puso mo
                     G
   Bakit di mo pagbigyan
                        F
   Ang pintuan mo'y buksan
                        E
   Ang siyang hinahanap ko
            F,    G,    Am
   Nariyan lang sa puso mo

   (Do Chord pattern: Am-G-F-E-F,G,Am-)
   Makinig sa mga salitang aking isinulat
   At buksan ang mga mata na hindi nakamulat
   Matagal ko nang gustong lahat kayo'y kausapin
   Wag mawalan ng pag-asa ano man ang suliranin
   Bawat kirot, bawat sakit na iyong nararamdaman
   Manalig ka lamang at ito'y malalagpasan
   Pupunasan ang luha, di na muli pang luluha
   Isipin lang na paa niya 
   Ang nakabakat sa putik at di sa 'yo

   (Repeat Chorus)

   (Do Chord pattern: Am-G-F-E-F,G,Am-)
   Ang pangalan ko'y Allan, isang batang lansangan
   Palaboy-laboy, naghihintay na ako ay kaawaan
   At tapunan ng kahit na ilang pirasong barya
   May sakit na ang aking ina't wala na ang aking ama
   Meron akong nakakatandang kapatid na babae
   Nagtatrabaho sa gabi sa aki'y may nakapagsabi
   Kahit walang pagbabago patuloy ang paghihirap
   Ito'y hindi hadlang sa akin upang ako'y mangarap
   At manalangin sa Maykapal, patuloy na magdasal
   Ilang araw ay sisikat at hindi rin magtatagal
   Bukas ay liliwanag, ako'y di Niya iiwanan
   Kahit na makasalanan ay di Niya papabayaan
   Salamat po, Ama

   (Repeat Chorus)

   (Do Chord pattern: Am-G-F-E-F,G,Am-)
   Sa pagsindi ng kandila liwanag ang ibinigay
   Liwanag na hatid ng araw sa bukang liwayway
   Ito'y sinulat ng aking kamay, inisip ng aking utak
   Tinayp ng daliri na siya na ring humahawak ng mikropono
   Mike check, with drums to my sense
   A creep to my stand, so I can rap my friend
   Itong lahat ay sinulat, parang balitang inulat
   Lahat ng tao'y nagulat, sa pagsanggulat ng mulat
   Di ko masabi kung bakit ganon na lang tingin sa akin
   Ng mga taong humangang biyaya galling sa langit
   Pasasalamat sa hari na siyang nagmumukod tanging
   At di n'yo kayang bilangin ang mga butil ng buhangin
   Kaya't ang tanging dalangin tuloy-tuloy na palarin
   Tuloy-tuloy na umawit na siyang tunay na hangarin
   Ito na rin marahil ang kailangan nating gawin
   Umamin sa ating mga sala
   Ama, ako ay iyong patawarin

   (Repeat Chorus)
 
  Am
   Kahit gaano man kadilim 
          G                         
   Ang bawat gabi na sa atin ay nagdaraan
  F                                        E        F,G,
   Lagi nating isipin na ito'y may kasunod na umaga
  Am
   Umaga na magdadala ng liwanag 
  G        F
   Liwanag, liwanag na nagbibigay ng pag-asa
  E    F,G,             Am
   Halika, sumama ka sa akin



OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.