opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Sirena

Gloc 9 (feat. Ebe Dancel)

                     Chorus
    Bm           A
   Ako'y isang sirena
           G                         F#7
   Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
    Bm           A
   Ako'y isang sirena
           G                      F#7
   Kahit anong gawin nila, bandera ko'y di tutumba
           Bm                A
   Drum na may tubig ang sinisisid
          G                      F#7
   Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
           Bm                A
   Drum na may tubig ang sinisisid
            G                        F#7
   Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

                   Bm
   Simula pa no'ng bata pa ako
                   A
   Halata mo na kapag naglalaro
                    G
   Kaya para lahat ay nalilito
                         F#7
   Magaling sa chinese garter at piko
             Bm
   Mga labi ko'y pulang-pula
              A
   Sa bubble gum na sinaba
              G 
   Palakad-lakad sa harapan ng salamin
                  F#7
   Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
                       Bm
   Habang kumekembot ang bewang, mga hikaw na gumegewang
  A                                            
   Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
  G
   Upang matakpan ang mga pasa sa mukha 
             F#7
   Na galing sa aking ama na tila di natutuwa 
               Bm
   Sa tuwing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
      A
   Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
       G
   Na imbes na tumigas ay tila lalong lumlambot
             F#7
   Ang puso kong mapagmahal parang piluka na kulot

   (Repeat Chorus)

   (Do chord pattern: Bm-A-G-F#7)
   Hanggang sa nag-bibinata na ako
   Teka muna mali, dalaga na pala 'to
   Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
   Ano bang mga problema n'yo
   Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
   Sa dapat makita ng inyong mga mata
   Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
   Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
   Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang
   Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
   Tama na naman itay, di na po ako pasaway
   Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
   Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
   Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
   Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
   At inaaabot ang ganda kong pang-ilalim ng dagat

   (Repeat Chorus)

   (Do chord pattern: Bm-A-G-F#7)
   Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
   Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
   Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
   Kakain na po itay, nakahanda nang lamesita
   Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang
   Ngayo'y buto't-balat ang dati matipunong katawan
   Ngayon sa inyong kaarawan, susubukan kong palitan
   Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
   Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
   Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
   Isang gabi, ako'y iyong tinawag
   Lumapit ako sa 'yong tabi ika'y tumangan
   Kumapit ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
   Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
   Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
   Dahil kung minsan, mas lalake pa sa lalake ang bakla

           Bm                A
   Drum na may tubig ang sinisisid
          G                      F#7
   Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
           Bm                A
   Drum na may tubig ang sinisisid
            G                        F#7
   Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

    Bm           A
   Ako'y isang sirena
           G                      F#7             Bm
   Kahit anong gawin nila, bandera ko'y di tutumba





OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.