opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Torpedo

Gloc 9

             B       C#          
   Pasensya na kung ako ay 
  C#m    F#    B 
   Di nagsasalita

            B
   Tandang-tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo
       C#
   Una kang nasilayan nang lumipat ka sa 'ming baryo
       C#m                             F#
   Nilapitan ka’t kinausap at tayo'y naging magkaibigan
      B
   Laging mong kakwentuhan sa umagahan natin na tambayan
          B
   Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit
       C#
   Gustuhin ko mang sabihin ako’y kaibigang matalik
        C#m                       F#
   Ng lalake na sa 'yo'y gabi-gabi ang panliligaw
              B 
   Ika'y sa 'kin nagtanong at para bang nagpahapyaw

         G#m
   Na ako ang s'yang nakakaalam kung ano ang mas tama
        E
   Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya
        G#m
   At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan
          F#
   Di ka sa 'kin sumagot nabalitaan ko na lang

                   Chorus
  G#m
   Wag mo na akong pilitin
   E                      G#m          F#    
   Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
  G#m
   Walang dapat ipagtaka
  A                       Eb
   Ako ay pinanganak na torpe
               G#m-F# break
   Sa ayaw at hindi

   (Do Chord Pattern: B-C#-C#m-F#-B)
   Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw
   Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw
   At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi
   Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti
   Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa
   Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama
   Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon
   Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon

      G#m
   Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong
       E
   Damdamin ko para sa ’yo dalangin sana’y may tugon
         G#m
   Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon
          F#
   Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon

   (Repeat Chorus)

   (Do Chord Pattern: B-C#-C#m-F#-B)
   Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan
   Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan
   Ay may isang babae na sa 'kin lumapit at nagsalita
   Hindi nakapagsalita ako'y napatulala
   Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala
   Siguro'y panahon na upang kami'y magkasama
   Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad
   Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad

       G#m
   Ikaw pala'y ikakasal at sa akin ay magpapaalam
         E
   Di na nakuhang sabihin at sa 'yo’y ipaalam
        G#m
   Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na
         F#
   Sa pagtalikod ay may tumulong luha sayong mata

   (Repeat Chorus)

             B       C#    C#m     F#    B       
   Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita
             B       C#    C#m     F#    B       
   Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita




OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.