opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Paglisan

Repablikan

   Intro: C-G/B-Am-C-

                  Chorus
            C
   Bakit pa kailangan na masaktan
        G/B                  Am
   Ang puso kong ito sa iyong paglisan
              C
   Hapdi ang siyang naramdaman
            C                           G/B
   Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
                Am                         C 
   Dahil ba sa huli na ang lahat, sa 'yo'y paalam

   (Do Chord pattern: C-G/B-Am-C-;)
   Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
   Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
   Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
   Tinatanong sa'king sarili kung hindi pa ba sapat
   Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
   Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
   Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
   Sa 'king puso at sa isip kalungkutan ang naghari
   At naghiwalay tayo na di man lang nakapag-usap
   Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
   Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
   Kung bakit nagkagan'to at bakit mo ko iniwanan
   Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
   Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
   Sinira mo ang tiwala at ako'y tinalikuran
   Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan

   (Repeat Chorus)

   (Do Chord pattern: C-G/B-Am-C-;)
   Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka
   Di na ko umasang babalik ka pa pagkat 
   Wala na ngang pag-asa kahit na ako'y magsisi at lumuha
   Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa
   Gustuhin ko man na ibalik hindi na maaari
   Pagkat sa puso mo ay meron ng nagmamay-ari
   At alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan
   Tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan
   Ilang beses kung niloko ang sarili kong ito
   Na kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo
   Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang
   Upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan
   Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo
   Yun ay di ko maabot dahil sa 'yong paglayo
   Alam kung di mo na pakikinggan kahit na isigaw
   Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw

            C                      G/B
   Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ng lahat
         Am                          C
   Ang nangyari sa relasyon natin, hindi ko matanggap
          C                     G/B
   Hindi ako nagkamali at nagkulang sa 'yo sinta
           Am                     C
   Ngunit anong isinukli, iniwan mong nag-iisa

   (Repeat Chorus)

   (Do Chord pattern: C-G/B-Am-C-;)
   Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob
   At di man lang ako naka-angat sa aking paglubog
   Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
   Katagang nais sabihin hindi ko man lang nabitawan
   Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
   Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
   Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina
   Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
   At hindi talaga tayo ang itinakda ng Diyos
   Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos
   Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
   Di ko lubos maisip ba't ganito ang kapalaran
   Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
   Na wala na akong ibang inibig kungdi ang katulad mo
   Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito
   Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko

   (Repeat Chorus 2x)



OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.