opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Kumusta Na

Yano

   Intro: E-D-; (4x)

           Chorus
  E        D-A         E
   Kumusta na, ayos pa ba?
              D     A        E
   Ang buhay natin, kaya pa ba?
  A           E-A       E
   Eh kung hinde, paano na?
         D-A        E--
   Ewan mo ba, bahala na?

  E                    D
   Napanood kita sa TV, sumama ka sa rali
  E                          D      A
   Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
  E             D
   Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
  E                       D         A
   Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto.

   (Repeat Chorus)

  E                 D
   Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
  E                       D        A
   Eskapularyo't Bibliya, sangkatutak na rosaryo
  E                   D
   At sa gitna ng EDSA, lumuhod ka't nagdasal pa
  E                         D              A
   Our Pader, Hail Mary from thy bounty thru Christ our Lord amen.

   (Repeat Chorus)

  E                 D
   Pebrero, bente-sais nang si Apo ay umalis
  E                       D             A
   Ngiti mo'y hanggang tenga sa kakatalon, napunit pa'ng pantalon mo
  E                 D
   Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame
  E                     D              A
   Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disko sa kalye.

   (Repeat Chorus)

  E                    D
   Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton
  E                       D             A
   Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon
  E                   D
   Sikat ka noon sa TV kase kasama ka doon sa rali
  E                      D            A
   Pero ngayo'y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA.

   (Repeat Chorus 2x)

  E        D-A        E
   Ewan mo ba, bahala na
  A       E-A        E-E-E break
   Bahala na, bahala na?         




OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.