opmtunes - filipino music lyrics with guitar chords

Mga Kababayan

Francis Magalona

   Intro: Cm---- break
                     M-m-m-m-mga kababayan
          Fm,Fm,Fm-F-Cm-

             Chorus
  Cm--
   Mga kababayan ko
   Dapat lang malaman nyo
   Bilib ako sa kulay ko
   Ako ay pilipino
   Kung may itim o may puti
   Mayro'n namang kayumanggi
   Isipin mo na kaya mong
   Abutin ang yung minimithi

                  I
  Cm--
   Dapat magsumikap at nang tayo'y di maghirap
   Ang trabaho mo pagbutihin mo
   Dahil pag gusto mo ay kaya mo
   Kung kaya mo ay kaya n'ya
   At kaya nating dalawa
   Magaling ang atin
   Yan ang laging iisipin
   Pag asenso mararating
   Kung handa kang tiisin
   Ang hirap at pagod 
   Sa problema wag kang malunod
   Umaahon ka wag lumubog
   Pagkat ginhawa naman ang susunod
   Iwasan mo ang inggit
   Ang sa iba'y ibig mong makamit
   Dapat nga ika'y matuwa 
   Sa napala ng iyong kapatid
   Ibig kung ipabatid
   Na lahat tayo'y kapit-bisig

   (Repeat Chorus)

                  II
  Cm--
   Respetuhin natin ang ating ina
   Ilaw siya ng tahanan
   Bigyan galang ang ama
   At ang payo niya ang susudan
   At sa magkakapatid
   Kailangan ay magmahalan
   Dapat lang ay pag-usapan 
   Ang hindi nauunawaan
   Huwag takasan ang pagkukulang
   Kasalanan ay panagutan
   Mag-malinis ay iwasan
   Nakakainis, marumi naman
   Ang magkaaway ipag-bati
   Gumitna ka ang huwag kumampi
   Lahat tayo'y magkakapatid
   Anumang mali ay ituwid
   Magdasal sa Diyos maykapal
   Maging banal at huwag hangal
   Itong tula ay alay ko
   Sa bayan ko at sa buong mundo

   (Repeat Chorus)

   Adlib: Bb--;
          Cm---- Fm,Fm,Fm-F,Cm

   (Repeat I)

   (Repeat Chorus)

   (Repeat Chorus moving chords 1 step <Dm> higher,
    fade)




OPM Tunes - Original Pinoy Music (OPM) Lyrics with Guitar Chords.
Your online source for OPM Songs - Philippine Pop, Alternative, Manila Sound, Pinoy Rock.
Copyright © 2007 opmtunes.com. Manila, Philippines. All rights reserved.